Monday , December 23 2024
Marian Rivera Tadhana

Tadhana ni Marian 8M na ang followers sa FB

MATABIL
ni John Fontanilla

TAOS PUSO ang pasasalamat ni  Marian Rivera sa patuloy na pagsuporta ng viewers sa Tadhana. Ipagdiriwang ng GMA Public Affairs award-winning drama anthology ang ikalimang taon nito sa pamamagitan ng isang three-part anniversary special simula noong October 8.

Maraming, maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsubaybay sa loob ng limang taon,” ani Marian. “Totoo namang hindi laging masaya – may mga kuwento ng pagkabigo, mayroon ding tagumpay. Mayroon ding [kuwentong] magbibigay inspirasyon at maraming pagkakataon. Ang importante, sa huli, laging may gintong aral na makukuha at mas nagpapalakas sa atin. Hindi man laging masaya ang buhay, mas malakas, mas matatag, at mas matatapang naman tayo ngayon sa anumang hamon ng buhay. Kaya saan man kayo dalhin ng Tadhana, kapit lang, Kapuso,” dagdag ni Marian.

Tuwing Sabado, ipinagdiriwang ng Tadhana ang kuwento ng tagumpay ng mga Filipino. Bawat episode ay pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamalaking artista sa bansa. Patuloy din ang Tadhana sa pamamayagpag sa ratings tuwing weekend. Sa online, nananatili itong isa sa mga pinaka-sinusubaybayang local TV show. May halos 8 milyong followers na ang Tadhana sa  Facebook. Noong Setyembre lang, umabot sa 21 million ang online views nito sa FB.

Pagbibidahan nina  Raymond Bagatsing, Vaness del Moral, Lianne Valentin, at Mylene Dizon ang anniversary episode na Baliw na Puso.  Makakasama rin dito sina Via Antonio, Tart Carlos, Erlinda Villalobos, at Simon Ibarra. Mula ang kuwento sa panulat nina Adam Cornelius Asin at head writer Erwin Caezar BravoSi Rommel Penesa ang direktor ng anniversary special ng programa.

Ngayong buwan ng Oktubre, pangmalakasan ang aming handog sa inyo. Kuwento ito ng isang mag-ina na nagkahiwalay. Ano nga bang kapalaran ang naghihintay sa kanila? Pagtatagpuin ba muli silang dalawa?” paglalahad ni Marian.

Umiikot ang buhay ni Amy (Mylene) sa kanyang baby na si Marjorie (Lianne). Ngunit isang aksidente ang maghihiwalay sa mag-ina. Sa paglipas ng mga taon, napagtanto ni Amy na kailangan niya ng maraming pera para mahanap ang kanyang anak. Nagsumikap siya at kalaunan ay yumaman sila ng kanyang inang si Maribeth (Erlinda).

Makalipas ang 20 taon, sa kabila ng yaman ni Amy, hindi pa rin niya mahanap si Marjorie. Isang araw, makikilala ni Amy si Dennis (Raymond), isang guwapong pulis na tumutulong sa kaso ng paghahanap kay Marjorie.

Mahuhulog sina Amy at Dennis sa isa’t isa at ikakasal sila. Ngunit hindi magtatagal ay magkakaroon ng relasyon si Dennis sa kasambahay ni Amy na si Sharlene (Vaness).

Makikita pa kayang muli ni Amy ang kanyang anak? Ano ang kapalarang naghihintay sa mag-ina?

Huwag palampasin ang anniversary special ng Tadhana na Baliw na Puso na nagsimula noong October 8 at durugtungan sa October 15 at 22, 3:15 p.m. sa GMA Network. May live streaming din ito sa GMA Public Affairs social media accounts. Para sa mga Kapuso abroad mapapanood ang Tadhana via GMA Pinoy TV.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …