Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz

Sunshine ‘di pa panahon para makapag-asawa uli

HATAWAN
ni Ed de Leon

PALAGAY namin, hindi pa nga siguro ito ang tamang panahon para si Sunshine Cruz ay pumasok na muli sa buhay may asawa. Bagama’t ilang buwan lamang ang nakararaan inaamin naman niyang na-in love na siyang muli, ngayon ay sinasabi niyang mukhang hindi sapat iyon para masabi niyang handa na siyang muli na magpatali  habambuhay.

May isang quote na inilagay ni Sunshine sa kanyang social media account na nagsasabing may mga taong makakapasok sa iyong puso at siguro dapat na manatili na lang sila roon at huwag mo nang patuluyin sa iyong buhay. Tama iyon. Maraming mga bagay na dapat isipin maging ang mga taong tunay na nagmamahalan para sabihing makakapagsama na nga sila habambuhay. Kung hindi nga naman ninyo mapapangatawanan ang isang pagsasama habambuhay, bakit pa ba kayo magsasama in the first place?

Ganyan din naman ang nangyari sa kanya noon. Nagkaroon siya ng boyfriend. First boyfriend niya eh, at kahit na may naririnig na siyang negatibo, ang nasa isip pa rin niya ay in love sila sa isa’t isa, at akala nila sapat iyon para sa isang magandang buhay. Pero sa paglipas ng panahon, nakita nila ang mga problema. Marami pala silang hindi mapagkakasunduan, hanggang sa umabot sa kanilang paghihiwalay.

May nangyari nang nauna eh, Natural mas maging maingat na si Sunshine ngayon. Iba pa ang sitwasyon noong unang dalaga pa siya, eh ngayon bukod sa sarili niya may tatlong anak pa siyang kailangang intindihin. Paano kung sila ang magkaroon ng problema? Kaya hindi ninyo masisisi si Sunshine kung maging mas maingat pa siya ngayon bago pumasok sa panibagong relasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …