Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessa Macaraig 

Jessa ‘di totoong tinanggalan ng korona 

MATABIL
ni John Fontanilla

MARIING pinabulaanan ng kapapanalo pa lang na Mrs. Universe Philippines Pacific Continental 2022 na si Jessa Macaraig na natanggalan siya ng korona.

Kuwento ng ka-look-alike ni Angel Locsin sa mini-presscon na siya ang nagbalik ng korona sa Mrs Universe Philippines Organization.

Hindi na kasi niya afford ang maglabas pa ng malaking halaga para lumaban sa international pageant.

“Parang hindi naman po ganoon ang nangyari  kaya ako natanggalan ng korona. 

“We have a registration fees of P50k, so hindi talaga ako puwedeng tanggalan ng korona. 

“And I have a letter at nakalagay doon ‘yung reasons kung bakit ako may crown and sash (title),” esplika ng beauty queen/negosyante.

Dagdag pa nito, “After winning kasi, kinausap ako ng organizer ng Mrs. Universe Philippines at sinsabi sa akin na kailangan kong mag-produce ng P350K para mag- compete sa international pageant.

“Kasama na roon ang entry fee, accomodation sa hotel at marami pang iba.

“Hindi pa kasama riyan ang ticket, glam team na ako rin ang sasagot at mga gamit na gagamitin ko for the pageant like gown, national costume atbp.. Kaya siguro gagastos ako ng lagpas P350K.

“So I decided not to compete sa intetnational pageant anymore, pero if ever sana na sila ang sasagot sa expenses, willing naman akomng lumaban abroad, na malabong mangyari.”

At dahil sa nangyari wala na ring balak sumali pa ulit sa iba pang pang beauty pageant si Jessa na mas gusto na lang mag-concentrate sa kanyang negosyo, ang The Pretty You, isang beauty cosmetics and personal care na marami na ring branches sa buong Pilipinas.

Nagbigay din ito ng mensahe sa Mrs Universe Philippines Organization.

“Continue lang ‘yung advocacy n’yo to empower women, kaya naman ako sumali rito kasi ‘yun ‘yung advocacy n’yo, to inspire women and moms kaya tuloy n’yo lang ‘yung ganoong organization.

“At sana magkaroon lang ng fair na laban, kasi deserve naman talaga ng bawat mom na ma-recognize,” sambit pa ni Jessa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …