Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elijah Canlas LiveScream

Elijah nanggulat, trailer ng LiveScream pinuri  

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NAGPAPASALAMAT si Direk Perci Intalan sa magagandang reaksiyon at feedback sa official trailer ng LiveScream, ang bagong pelikulang kanyang idinirehe.

“Thank you to all who have seen, reacted and shared our #LiveScream red band trailer! We can’t post it anywhere else so please share it here on Twitter,” ayon sa tweet ni Direk Perci.

Nanghingi kasi si Direk Perci sa Twitter ng feedback sa netizens sa napanood nilang trailer.

Narito naman ang reply ng ilang netizens na bukod sa mga papuri sa movie at kay Direk Perci na tinukoy din ang napanood nilang kakaibang Elijah Canlas, na bida ng pelikula.

“I was speechless! I’ve watched it so many times already! I will be front and center when it comes out. Seeing Elijah in such a ‘mature’ role adds to the shock. Congratulations Direk!” 

“I was watching the trailer with my mouth open and at that moment I forgot to breathe… It’s something amazing”

Tapang sir Perci, I like this next level role for him… no doubt, he’s an excellent actor.”

Maski kami ay nagulantang kay Elijah sa napanood namin. Unang eksena pa lang ay may ka-lovescene na ito. Sumunod ay nagising na lang siya na nakakulong sa loob ng isang kuwarto na may mga misteryosong butas. Hanggang sa kung ano-ano na ang nangyari sa kanya sa mga butas na ‘yun gaya na lang ng kinuryente siya at mayroon pang glory hole experience. At ang iba ay mas magandang panoorin niyo na lang mismo ang trailer para ma-shock kayo.

Produced by The IdeaFirst Company and Viva Films, ang LiveScream ay mapapanood sa Vivamax Plus sa November 9, 2022. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …