Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Floyd Mayweather AQ Prime Manny Pacquiao

Floyd Mayweather handang makipag-collab kay Pacman

MATABIL
ni John Fontanilla

HANDANF makipag-collab ang American Boxing Icon na si Floyd “Money” Mayweather kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao pero depende kung anong proyekto ang kanilang pagsasamahan.

Ayon sa boxing champion nang ipakilala sa media ng AQ Prime streaming platform bilang kanilang bagong mukha kamakailan na ginanap sa The Cove Manila na kung ang magiging collaboration nila ay ang pagtuturo ng boxing sa mga bagong henerasyon ng kabataan sa Pilipinas at maging saan mang sulok ng mundo, game siya.

Ito kasi ang paraan ni Floyd ng-pay it forward sa sobra-sobrang blessings na natatanggap niya kaya naman tinanggap nito ang maging mukha ng AQ Prime dahil katulad niya na mahilig tumulong at magpasaya, layunin  din ng streaming app na tumulong at magbigay ng trabaho sa mga Filipino sa entertainment industry at magpasaya sa pamamagitan ng mga pelikula at shows na napapanood sa kanilang.

Kuwento nga ni RS Francisco na malapit sa sikat na boksingero, hindi ganoon kabilis tumanggap ng proyekto si Floyd, kailangan na ipaliwanag dito at sa team nito kung para saan at anong layunin ng proyekto at tsaka ito sasagot kung tatanggapin o hindi.

Samanta, sobra namang happy ang

 AQ Prime’s CEO and President, Atty. Aldwin Alegre, COO Honey Quiño, at Creative Business Partner na si RS na parte na ng pamilya ng AQ Prime si Floyd at malaki ang maitutulong nito na makilala sila worldwide.

Hinikayat nga nito na mag-download ng AQ Prime App para mapanood ang Iba’tibang genre ng pelikula mula drama, comedy, fantasy, suspense, at horror.

Ibinalita rin sa nasabing presscon ang documentary series ni Floyd na tungkol sa kanyang buhay  na mapapanood sa AQ Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ina de Belen Janice de Belen Im Perfect Sylvia

Janice ipinilit ang sarili, napamura sa ganda ng I’m Perfect

MA at PAni Rommel Placente HINDI na active sa kanyang career si Ina de Belen. Hindi …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …