Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dominique Cojuangco

Dominique ‘di raw buntis busy lang sa negosyo

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATAWA kami sa mga isinagot ni Dominique Cojuangco, anak ni Gretchen Barretto sa isang nagtanong na  netizen kung buntis siya. Anito, hindi siya buntis at naging busy lang sa kanyang negosyo.

Kung mabuntis man eh ano naman ang masama, legal na naman yata ang pagsasama nila ni MJ Hearns, na hindi lang maliwanag sa amin kung nagpakasal na nga sila o hindi pa, bagama’t may usapang ganoon.

Nang igiit sa kanya ng netizen na iyon kasi ang sinabi sa isang vlog, ang isinagot ni Dominique, “she needs better ways to fill her time.” Hindi lang sinabing mali eh. Ang pagkakasabi “humanap na lang siya ng ibang magagawa.”

Tungkol naman sa ermat niyang si Gretchen, sinabi niyang ine-enjoy niyon ngayon ang kanyang pribadong buhay. Noong mga nakaraang taon kasi ay nadamay si La Greta sa kung ano-anong controversy pati na sa sabong, kaya ok naman ngayon na manahimik na muna siya.

After all hindi naman niya kailangang makigulo pa sa buhay. Ayos na naman ang buhay niya ano man ang sabihin nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …