TATLONG nagmula sa media industry ang mga kandidatong susunod na Press Secretary ng administrasyong Marcos, Jr.
Sina Atty. Mike Toledo, dating news anchor ng ABC 5, Gilbert Remulla, dating reporter sa ABS-CBN TV, at Cesar Chavez, dating reporter sa DZRH bago naging station manager nito, ay napaulat na pinagpipiliang maging kapalit ni Atty. Trixie Cruz-Angeles na hindi ni-reappoint ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., matapos ma-bypassed ng Commission on Appointments (CA).
“It’s not a question of interest but if public service calls for you to make sacrifices, who are you to say no,” ayon kay Toledo sa isang ambush interview kahapon.
Sinabi ni Toledo, sakaling tanggapin niya ang alok, “there are no considerations. I always believed that the greatest calling is public service…sino ba naman tayo para tumanggi.”
Habang si Chavez ay hiniling na bigyan siya ng panahon na iproseso ang alok dahil gusto niyang tutukan muna ang trabaho bilang railways chief.
Si Remulla na isang PAGCOR director ay pinag-iisipan din kung tatanggapin ang alok na maging press secretary.
“Of course, I’m thinking about it. I am flattered I’m being considered and I serve at the pleasure of the president,” aniya. (ROSE NOVENARIO)