Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward

Jillian binulyawan ng doktor

I-FLEX
ni Jun Nardo

KINAMPIHAN ng isang content creator na isa ring doctor na si Dr. Alvin Francisco ang nangyayaring eksena sa ospital sa GMA Afternoon prime na Abot Kamay Na Pangarap.

Bida si Jillian Ward sa series bilang isang batang surgeon. May eksenang pinagagalitan si Jillian ng isang senior doctor.

Ayon kay Dr Francisco sa kanyang Facebook sa eksenang ‘yon, “May nagko-comment kasi na hindi raw realistic. ‘Yung doctor daw hindi ganito sa totoong buhay.

“Sad to say po, nangyayari ito sa totoong buhay…Sa mga hindi nakakaalam, mayroong hierarchy ng mga doctor sa loob ng hospital. Nangyayari po ito sa totoong buhay.”

Kuwento pa ng doctor, “Marami akong experience na pinag-initan ng kapwa mga doctor. Minsan, diniin nila, pina-power trip nila. Binu-bully nila.

“Medyo alarming kasi this is under reported…’Yung mga nakakaranas nito hindi nila nire-report eh…This is actually happening and this is very realistic.”

Aba, dapat imbestigahan ang mga ganitong doctor, huh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …