ni Ed de Leon
“KAILAN ba siya babalik sa Pilipinas? Nami-miss na namin siya,” tanong ng isang designer nang sabihin naming nasa abroad pa ang dating sikat na matinee idol na lost na rin naman ngayon.
Iyang dating sikat na matinee idol ay “suki” kasi ng mga mayayamang bading sa “car fun” na nagaganap sa isang business district kung gabi. Sumasama siya sa mga bading sa kotse at alam na ninyo kung ano ang nangyayari. Matagal din pala niyang ginawa iyon.
Marami pa rin daw gumagawa ng ganoon doon. “Hindi na nila mapipigll ang mga bagets na gumagawa ng ganyan. Kailangan nila ng pera para pamporma, o pang-bisyo, Kaya basta nakindatan mo, sasakay na iyan sa kotse mo. Pero siyempre iba si matinee idol. Feeling mo kasing ganda ka ng ka-love team niya,” sabi pa ng bading.