Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mother Lily  Monteverde Father Remy Monteverde

Mother Lily – Father Remy’s love story mas classic pa sa Mano Po

HATAWAN
ni Ed de Leon

IYON lang love story nina Mother Lily at Father Remy Monteverde, na natatandaan naming kuwento, aba isang pelikula na iyon.

Napakaganda ng kanilang love story kung malalaman lang ninyo. Narinig na namin iyan nang ilang ulit at maski kami ay nagsabi noon na iyan ay isang movie material. Noon ngang unang napagkukuwentuhan iyan ang sinasabi namin, iyan ay isang love story na bagay kina Dawn Zulueta at Richard Gomez. Baka mas maging classic pa iyan kaysa kanilang Mano Po.

Iyon ding naging pagsisikap nila sa buhay, mula sa pagsisimula sa maliit na negosyo, na nagtitinda ng popcorn sa lobby ng sinehan, hanggang sa mabili nila ang buong sinehan, at nag-produce ng pelikula, success story iyan.

Iyong ginawa ni Mother sa industriya, at iyong ginawa ni Father bilang presidente ng producers’ association at paglaban sa film piracy, ibang kuwento iyan. Kung gagawin ngang pelikula iyan, hahati-hatiin mo ang kuwento parang Mano Po.

Malaki ang demands ng pelikulang iyan, kaya nasabi noong araw ni Ate Vi (Vilma Santos), gustong-gusto niyang gawin, kaya lang natatakot siya sa demands ng produksiyon. Inaamin naman niya, hindi na niya magagawa iyong gaya noong araw na bakbakan ang shooting. Ngayon iba na siyempre, baka naman magtagal ang pagtapos sa pelikula kung siya, at alam naman niya ang gastos ng shooting, iyong mga talent na binabayaran per day, iyong location at saka equipment rental. Kaya tinanggihan niya iyan eh.

Inialok na nila iyan kay Judy Ann Santos, at tinanggap naman niya. Hindi rin sila natuloy dahil sa pandemya, eh iyan iyong pelikulang napakalaki hindi puwedeng ilalabas mo lang iyan sa video streaming, kailangan iyan sa sinehan.

Isipin ninyo, gaano karaming artista ang magiging involved at guest diyan sa pelikulang iyan. Hindi puwedeng indie iyan.

Sana matuloy ang pelikula, at magawa nga ni Juday.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …