I-FLEX
ni Jun Nardo
BUMILIB si Mariel Padilla sa kabigang Toni Gonzaga nang ilabas nito ang litrato nila ni Joey de Leon sa shoot ng movie nilang My Teacher intended para sa Metro Manila Film Festival 2022.
“Ang galing mo naka shoot ka pa ng movie hehehehehe,” komento ni Mariel sa IG photo ni Toni.
“@marieltpadilla nailaban hehe!” tugon naman ni Toni kay Mariel.
Of course, Eat Bulaga baby si Toni bago lumipat sa Kapamilya channel.
Magsisilbi ring comeback film sa big screen ni Joey ang team up nila ni Toni.
Ang asawang si direk Paul Soriano ang director ng movie.