HATAWAN
ni Ed de Leon
NAPANSIN namin, talagang sinusundan ng fans sa social media iyang si Kobe Paras. Mula roon sa suspetsang split na nila ng anak ni Ina Raymundo na si Erika Portunak, hanggang sa mag-follow sila ulit sa isa’t isa, alam ng mga Marites.
Hindi naman sila magkakaroon ng interest kay Kobe kung alam nilang walang followers iyon, eh ang hinahanap nila mapansin din sila para kumita sila sa kanilang vlog.
Kung titingnan mo kasi iyang si Kobe, matangkad, pogi, at puwede talagang matinee idol, bagama’t mas pinili nga niya ang maging basketball player kaysa maging actor. Pero hindi maikakaila, maski na sa mga basketball fan niya, hindi siya hinahabol dahil sa galing ng paglalaro kundi dahil pogi siya.
Bakit kaya hindi subukan ni Kobe ang mag-artista kahit na ilang panahon lang?