REALITY BITES
ni Dominic Rea
PRESENT sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa katatapos na 11th anniversary ng kanilang loveteam na binuo at inayos ng mga solidong fans and followers ng dalawa.
Mukhang happy together ang dalawa habang ine-entertain nila ang kanilang tagahanga. Nagkaroon ng mga pagbati at pa-raffle sa fans hosted by KaladKaren and Jhaiho.
Wala pa ring kupas ang KathNiel dahil nandiyan pa rin sila together kahit nagsara na ang ABS-CBN. Buo pa rin sila at making waves naman ang kanilang latest series, ang 2 Good 2 Be True.
Ano kayang next project ng dalawa? May maibibigay pa ba ang Kapamilya Network sa kanila? Baka naman mayroon pa ‘di ba?