Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual Rhea Tan Iñigo Pascual

Piolo masaya sa success ng anak na si Inigo

MATABIL
ni John Fontanilla

AFTER 2 years, muling humarap ang Ultimate Leading Man at award-winning Kapamilya actor na si Piolo Pascual para sa renewal ng contract niya bilang brand ambassador ng Beautederm Corporation na pag-aari ni Rhea Anicoche-Tan. Ini-endoso nito ang Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste ng Beautederm.

Ayon kay Piolo, “It’s actually been a while since I’ve had a presscon since the pandemic, this is the first time.” 

Proud  father naman si Piolo sa kanyang anak na si Inigo na isa sa cast members ng musical-drama series na Monarch ng Fox Entertainment sa Hollywood.

Napapa-smile ako lagi ‘pag may nababasa akong articles, ‘pag may nagpo-forward sa akin ng snippets ng show niya especially from the States. 

“Even my relatives from the States are so proud of him na alam mong napapanood siya sa primetime sa States sa Fox.

“Talaga namang sabi ko, ‘you know na kahit kini-claim natin ‘yan, hindi mo iisipin na mangyayari at mangyayari, ngayon nangyari na.’ 

“I’m just really happy and I hope he continues to grow as an artist,” mahabang tsika ni Piolo.

At bukod nga sa kanyang anak na si Inigo ay may possibility din na makasama siya sa Monarch dahil may nag-suggest na kapag nangailangan ng gaganap na ama ni Inigo ay kunin siya.

“I don’t know whose idea it was, pero sabi nga niya, if ever ‘pag mag-grow ‘yung story, sabi nga niya, ‘if they need, find a father of Inigo,’ sabi nga niya sana raw ako. Let’s see.

“Now that he has it, he has his chance, he has one foot in, I hope he really breaks out, you know, big time in the international scene.

“And he always has my support in whatever he does, and I believe in his talent.

” So, I’m just really happy that, you know, he gets to do international stuff, he gets to do something that is from Hollywood.

“He has my support all the way. Sana po, mas marami pang blessing pang dumating sa kanya,” super proud na sabi pa ng tatay ni Inigo.

At sa muling pagpirma ni Piolo sa Beautederm ay sobrang saya at thankful naman ang Beautederm President at CEO nito.

“Isa siya sa mga A-listers na nakilala ko na totoong walang ere. Kaya pala siya Piolo Pascual at napaka-humble po niya. Parang hindi niya alam na isa siya sa mga top endorser. Na lahat ng mga kompanyang gaya ko ay puwede siyang kunin kasi sulit na sulit po siya,” pagtatapos na pahayag ni Ms Rhea. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …