HATAWAN
ni Ed de Leon
KUNG ilang panahon na ring laging napag-uusapan ang sinasabing relasyon ng anak ni Ina Raymundo na si Erika Portunak at ng basketball player na si Kobe Paras.
Pero mukhang lumabo na rin ang kanilang relasyon, at ang batayan ng mga Marites sa kanilang tsismis ay ang pag-unfollow ni Erika kay Kobe, at pagde-delete niyon sa kanilang mga picture na very sweet at laging magkayakap. Marami pa naman ang nagsasabing bagay silang dalawa.
Wala namang makapagsabi kung talaga ngang split na sila. Pero marami nga ang nanghihinayang, dahil isipin mo nga naman, very sweet sila noong mga nakaraang buwan. Lagi pa silang magkayakap sa kanilang pictures, tapos biglang wala na lang.