I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKIPAG-BAYANIHAN ang Kapuso stars sa mga apektado ng Bagyong Karding.
Nag-volunteer ang ilang Kapuso stars kasama ang Unang Hirit at GMA Kapuso Foundation para maghatid ng Serbisyong Totoo sa mga Filipinong naapektuhan ng bagyo.
Nagkaroon ng special coverage noong Lunes ang UH Barkada kasama ang cast ng Nakarehas Na Puso.
Nagsilbi namang bantay sa help desk ang Sparkle stars na sina Elijah Alejo, Lexi Gonzales, Matt Lozano, Brent Valdez, at Aidan Veneracion.
Tumulong naman sa pagbabalot ng relief sa Kapuso Foundation warehouse sina Martin del Rosario, Caloy Tincungco, Anthony Rosaldo, Kim de Leon, at Jeff Moses.
Katuwang naman ng Kapuso Foundation sa pagpapakain ng lugaw sa Bagong Silangan Elementary School sina Chef J Royol, Susan Enriquez, UH staff at namigay ng relief goods.