Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz Macky Mathay

Sunshine in-unfollow na si Macky, pictures sa socmed binura rin

HATAWAN
ni Ed de Leon

HATAW ang messages ng panghihinayang ng fans matapos kumalat ang espekulasyon na nag-split na nga sina Sunshine Cruz at ang boyfriend niya ng limang taon, ang konsehal ngayon ng San Juan na si Macky Mathay.

Maging ang pinsan niyang si Donna Cruz ay nag-post din ng message na nakikisimpatya kay Sunshine.

Wala namang anumang nasabi at nagsimula iyan nang mapansin nila na in-unfollow na ni Sunshine si Macky at inalis na rin ang lahat ng pictures nila sa kanyang social media account. Tapos for the first time in years, absent nga si Macky sa birthday celebration ng anak ni Sunshine na si Angelina na dati naman niyang ginagawa. Kahit na nga naroroon pa si Cesar Montano na dating asawa ni Sunshine at ama ng mga bata, naroroon pa rin si Macky. In fact kamakailan, noong debut ni Sam, isa pang anak ni Sunshine ay naroroon si Macky, kahit na nandoon din si Cesar.

Si Cesar naman ay may live-in partner na rin at tatlo na ang anak sa kanyang kasama sa ngayon.

Si Sunshine ay libre na matapos ang annulment ng kasal nila ni Cesar, ang naging problema lang dati, ang kasal ni Macky sa dating asawa ay hindi pa annulled. Nagkakilala silang dalawa dahil si Macky ay kapatid sa ama ni Ara Mina na siyang nagpakilala sa kanila. Naging mabilis ang kanilang ligawan, at tumagal sila nang mahigit limang taon, kung totoo ngang split na sila.

Gayunman, may mga naniniwala na nagkagalit nga lang siguro ang dalawa at posible pa ring magkasundo, Naka-follow pa rin si Macky sa social media account ni Sunshine at posted pa rin ang kanilang pictures.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …