Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid Kelsey Merritt

James nganga pa rin ang career 

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGKALAT na naman sa social media ang mga picture na nagpapakitang hinahalikan ni James Reid si Kelsey Merritt. Si Kelsey Merritt ay siyang unang Fill-Am na naging model ng Victoria’s Secret.

Pero puro ganoon naman si James. Puro siya publicity sa social media  na may ka-date na celebrities, o kaya sinasabi may mga gagawing collaboration kasama ang mga foreign artist pero hanggang ngayon naman ay wala.

Malaki ang epekto kay James noong magdesisyon siyang magsolo, mag-produce ng sarili niya na hindi naman niya naihanda. Ibinebenta niya noon ang kanyang bahay para nga siguro ang mapagbebentahan niyon ay magiging puhunan niya, pero hindi naman yata naibenta. Mukhang nagkamali sila ng diskarte nang gawin niyang manager ang tatay niya. Nagkamali rin sila sa paniniwalang sapat na ang popularidad ni James noon para tumakbo nang ok ang kanyang career.

Sa ngayon, kumikilos naman pero nganga pa rin si James. Sinasabi nila na nabibili naman ang kanyang mga kanta pero walang naging malaking hit at dahil doon wala namang kumukuha sa kanya sa mga concert, na  talagang kumikita ang mga artist.

Ewan kung ano pa ang susunod na magagawa ni James. Ngayon tagilid din siya kahit na sa tv, dahil identified siya sa ABS-CBN na ngayon naman ay walang prangkisa. Saan nga ba siya tatakbo?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …