I-FLEX
ni Jun Nardo
MALIGAYA nang nagsasama ang aktor na si Vhong Navarro at asawang si Tanya Bautista-Navarro nang muling bumalik ang dagok ng kaso laban sa aktor na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.
“Bumabawi si Vhong sa akin sa loob ng eight years na nagpakasal pa kami. Then, this happened!” pahayag ni Tanya nang humarap siya sa media bilang asawa ni Vhong.
Sa mga susasawsaw sa kaso, “Everytime…Hindi ko alam kung saan sila galing. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sila at hindi nila ilabas.”
Wala ring maisagot si Tanya kung bakit pagkatapos ng walong taon eh muling nabuhay ang kaso laban sa asawa.
“Ang daming naglalaro sa isip ko but I don”t think I’m in a position to answer that or baka hindi ko mapatunayan ang sasabihin ko,” rason niya.
Pero kahit ganito muli ang sitwasyon ni Vhong, nananiwala pa rin si Tanya sa justice system ng bansa.
On bail para sa kasong acts of lasciviousness si Vhong na naka-detain sa office ng NBI at ang bail naman sa kasong rape ang inaasikaso ng kanyang lawyer.