MATABIL
ni John Fontanilla
SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig na umabot ng P120,000 mula sa dating P3,000 ng nakaraang buwan.
Kaya naman pinagpapaliwanag ni Ryza ang Maynilad kung paano tumaas ang kanilang current water.
Post nga nito sa Facebook: “Ano kami may carwash? 10pm-4am nawawala na ng water samin. Tapos ang hina hina ng tubig namin from 5am-9pm.
“So paki explain Maynilad Water Services, Inc. from 3,680 last month ngayon 120k?!!!?????.”
At dahil nga sa paglobo ng kanyang bayarin sa tubig ay hinihintay ni Ryza ang paliwanag ng Maynilad kung paano ito nangyari.