ni Ed de Leon
ISANG matrona umano na may-ari ng mga wellness spa at resorts ang “nag-aalaga” sa isang poging male starlet na nakalabas na rin sa isang BL project bilang support. Pero hindi lang sila ang magkarelasyon, ipinakikilala rin daw ng mayamang matrona ang poging male starlet sa iba pang mga kaibigan niyang mayayamang bading at sa mga foreigner na madalas sa kanyang resort, para may kahati siya sa gastos sa poging starlet na kung sabihin nga raw niyon ay “high maintenance.” Ibig sabihin malakas humingi.
Ganoon pala ang buhay ng male starlet na iyon.