Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MM Magno MJ Magno

 MM at MJ Magno kumanta ng theme song ng 7th Ppop Awards

MATABIL
ni John Fontanilla

ANG kambal na dating members ng sumikat na grupong XLR8 na sina MM at MJ Magno ang umawit ng theme song ng PPop Awards na nasa ikapitong taon nang nagbibigay ng parangal sa mga mahuhusay na Ppop Artist.

Pioneer ng PPop music ang kambal bilang bahagi ng PPoppioneer group na XRLR 8 ng Viva Artists Agency. At naging super hit din ang awitin ng kambal bilang PPOP Duo na MMJ na pinasikat ang awiting Haypa na umabot ng 6 million views sa YouTube under Star Music at sa kanilang awitin din na Daleng Dale ng Vicor Music. 

Tila ngayon ay magiging visible na naman ang Magno Twins na super talented dahil hindi lamang bilang mga singer/songwriter kundi music producer na rin. Kaya naman sila ang umawit ng PPop Awards Theme Song sa kaabang-abang at mas exciting na 7th PPOP Awards sa November 20  sa Newport World Resorts.

Ayon nga sa founder ng nito na si Yuan Quiblat“This time mas pinalaki namin ang 7th PPop Award. Bilang suporta na rin sa ating Ppop Artists.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …