PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
HANDA nang makipagbakbakan at makipagbardagulan sina Alma Moreno at Dina Bonnevie para patunayan kung sino ang tunay na reyna ng kalye.
Iyan ang eksenang bardagulan na mapapanood sa bagong comedy series na Kalye Kweens ng TV5 na tampok sina Alma at Dina.
Usong-uso ngayon ang bardagulan sa social media pero iba pa rin ang dating ‘pag personal ang talakan, lalo na kung sa kalye ang away for the whole barangay to see. Gaya na lang ng magaganap na awayan nina Alma at Dina sa Kalye Kweens.
Umere na ang launch plug ng nasabing programa at talaga namang bardagulan to the next level ang ganap nina Alma at Dina kasama ang cast ng Kalye Kweens.
Magiging ka-back-to-back ito ng sitcom ni Maja Salvador na Oh My Korona tuwing Sabado kaya mukhang riot sa tawanan ang weekend offerings ng TV5.