ni Ed de Leon
IYONG isang poging singer, na na-discover sa isang singing contest sa telebisyon at agad na nakilala dahil sa pagkanta ng mga theme song ng mga serye ay niligawan pala ng isang newscaster na bading. Talaga raw matindi ang panliligaw ng bading newscaster kay pogi, pero busted ang bading. Hindi niya alam na ang poging singer ay may “sponsor” nang isang milyonaryong gay businessman.
Bakit nga ba naman niya ipagpapalit ang milyonaryong gay businessman sa isang second rate na bading na newscaster na talent lang naman sa kanilang network. Wise rin si pogi.