Monday , December 23 2024
Dennis Padilla Julia Barretto Dani Barretto

Dennis kailangan pa bang habulin ang mga anak?

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAAARING totoo na may mga bagay na gusto ng kanyang mga anak, kabilang na ang mga pangarap nilang gustong makuha, dahil sabi nga ni Julia Barretto, “wala kaming pera.”

Siguro nga mas mataas ang pangarap ng kanyang mga anak kaysa  kayang ibigay sa kanila ni Dennis Padilla, pero sinabi naman ng actor na, “noong kumikita ako bilang artista, hindi ba naibigay ko naman ang lahat ng iyong pangangailangan? Saan ba napunta ang lahat ng kinita ko noon? Hindi ba sa inyo dahil gusto kong magkaroon kayo ng maginhawang buhay sa abot ng makakaya ko? Totoo dumating tayo sa sitwasyong nagpalipat-lipat tayo ng bahay pero sino ba ang nagbabayad niyon,” ang puno ng hinanakit na sinabi ni Dennis.

Bilang katunayan na siya ang tumayong provider sa kanilang pamilya noong panahong iyon, “hindi ba pati si Dani ginamit ang pangalang Baldivia?” Si Dani Barretto ay anak ng dati niyang asawang si Marjorie Barretto na unang boyfriend niyong si Kier Legaspi.

Inaamin din naman ni Dennis, nagkaroon ng panahon na wala siyang trabaho. Natapos na rin ang kanyang term noon bilang konsehal ng Kalookan. Si Marjorie ang tumakbong konsehal at nanalo. Wala siyang assignment sa showbiz, at doon nagsimula ang problema, hindi na niya maibigay ang pangangailangan ng mga anak niya.

Umabot pa iyon sa isang napakasakit na desisyon ng lahat ng kanyang mga anak na alisin na ang apelyido nilang Baldivia at kilalanin na silang Barretto. Nasundan pa iyon ng masakit na comment na, “magaganda ang lahi namin.” 

Ewan pero kung kami ang tatanungin, dapat pa bang habulin ni Dennis ang kanyang mga anak? Hindi sa nakikialam, pero kung kami iyan hindi na namin hahabulin kahit sabihin pang anak mo iyan, eh maliwanag namang ayaw kang kilalanin.

Nakalulungkot na sitwasyon iyan. Hindi lamang iyan isang kaso ng hindi pagrespeto sa isang tao, iyan ay paglabag sa ikaapat na utos ng Diyos (Exodus 20:12) at hindi sinabi ng Diyos na igalang mo ang iyong ama’t ina kung maibibigay lamang niya sa iyo ang lahat ng kaginhawahan sa buhay. Basta ang sabi, igalang mo kasunod ng pangakong ikaw ay magtatagumpay sa iyong buhay. Malas ang paglapastangan sa magulang.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …