Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino Trina Candaza

Carlo at Trina walang nangyaring balikan

HATAWAN
ni Ed de Leon

WALANG nangyaring reconciliation kina Carlo Aquino at sa dati niyang girlfriend at nanay ng kanyang anak na si Mithi, si Trina Candaza.

Inamin  ni Trina na ok naman sila ni Carlo at kung walang trabaho dinadalaw sila ni Mithi sa condo, minsan ay ipinapasyal pa ang bata na hindi naman niya pinigil noong magkahiwalay sila.

Naniniwala kasi si Trina na ang problema ay sa kanilang dalawa ni Carlo at hindi dapat na madamay ang kanilang anak.

Inamin niyang madalas silang nag-uusap tungkol sa kanilang co-parenting kay Mithi, pero walang usapan ng reconciliation. 

Inamin ni Trina, hindi siya nagsasalita nang tapos, hindi mo nga naman masasabi kung ano ang mangyayaring kasunod, pero basta sa kanilang dalawa ang mahalaga sa ngayon ay ang pagpapalaki kay Mithi

Siguro nga tama si Trina, kung ano man ang pangangailangang material ng kanyang anak ay kaya naman niyang ibigay, pero tanggap niya ang katotohanan na kailangan din niyon ng kalinga ng isang ama. 

Maganda ang pananaw niya sa buhay. Diyan nagkakamali ang maraming naghiwalay. Basta ang iniisip nila, kung ano man ang kailangan ng mga anak nila ay

kaya nilang ibigay. In the end, ang mga bata ang nagsa-suffer dahil kailangan ng isang bata ang pagkalinga ng ama’t ina. Hindi puwedeng isa lang.

Pero naniniwala kami na mas maganda kung isang araw ay makakapag-usap

sila nang masinsinan, kalimutan na kung ano man ang naging problema nila at magkasama silang muli alang-alang sa kanilang anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …