I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGSIMULA na kahapon, Setyembre 13, ang pakikipagbakbakan sa TV ng ALLTV ng AMBS Network.
Nagsimula ito ng 12 NN at sa tweet ni direk Paul Soriano na kabilang sa ALLTV, nag-tweet siya ng channels ng saan mapapanood ang ALLTV.
Ayon sa tweet ng director at hubby ni Toni Gonzaga na nasa ALLTV din, Channel 2 ito sa free TV at Planet Cable; Channel 35 on Sky at Cignal TV; Channel 32 on GSAT, Channel 2 on other Cable TV providers at para sa Digital TV, scan to find ALLTV.
Bukod kay direk Paul, ilan sa showbiz celebs na pumirma sa ALLTV AMBS ay sina Toni Gonzaga, Mariel Padilla, Anthony Taberna, Ciara Sotto ayon sa reports.
Siyempre pa, si Willie Revillame ang flag bearer ng ALL TV at ayon sa reports, babanggain nito ang news programs sa gabi, huh! Head on ito sa 24 Oras, TV Patrol, at iba pang news programs.