HATAWAN
ni Ed de Leon
BUNTIS na raw at malapit na ring manganak ang syota ni Xander Ford na ang tunay na pangalan ay Marlou Arizala. Iyang si Xander ang nabalita noon na sumailalim sa napakaraming operasyon para maaayos ang mukha. Ok naman ang kinalabasan, naging pogi naman siya.
Pero ang tanong oras kayang magka-anak na siya, magiging kamukha ba ng hitsura niya ngayon, o ang kamukha ay ang natural niyang hitsura noon? Palagay namin ang makukuhang genes niyong bata, kamukha ng hitsura niya noon. Hindi naman nababago ng facelifting ng magulang ang magiging hitsura pati ng mga anak.
Pero huwag namang iyong pagkapanganak dadalhin na nila agad kay Belo o kay Calayan. Kasi habang lumalaki iyan mag-iiba ang hitsura. Kung kailangan man ng retoke, o kahit na reconstruction ng mukha, dapat gawin iyon kung malaki na siya para hindi na paulit-ulit. Mahirap din naman ang paulit-ulit na operasyon.
Wala lang, napag-usapan lang naman.