Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista Chiz Escudero

Fashion at art commitment daw ni Heart dahilan ng hiwalayan nila ni Chiz

HATAWAN
ni Ed de Leon

TOTOO nga bang ang sinasabing problema ngayon ni Heart Evangelista sa kanyang pamilya ay nag-ugat na rin sa lagi niyang pag-a-abroad dahil sa kanyang mga fashion at art commitments? Iyan ang

sinasabi ng ibang sources, lagi raw kasing wala si Heart, at hindi na naasikaso si Senator Chiz Escudero at ang iba pa niyang dapat na asikasuhin bilang asawa ng senador.

Wala pa namang official statement si Heart, o maging si Sen. Chiz sa sinasabing paghihiwalay nila, pero marami ang umaasa

na hindi naman mauuwi iyon sa ganoon. Baka nga may problema, pero baka maaari naman iyong maayos sa isang compromise.

Nagmahalan silang dalawa, at marami na rin silang ipinaglaban para sa kanilang relasyon. Ang pinakamabigat na problemang dinaanan nila ay ang objections noon ng mga magulang ni Heart sa kanyang pag-aasawa. Kung iyon ay nalampasan nila, palagay namin kaya rin nila kung ano mang problema mayroon sila ngayon.

Maaayos din siguro iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …