Friday , November 15 2024
Mary Jane Veloso

Sa Indonesia
EXECUTIVE CLEMENCY KAY MARY JANE HIRIT NG FM JR., ADMIN 

HINILING ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang executive clemency para kay Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row sa nakalipas na 12 taon bunsod ng kasong drug trafficking noong 2010.

Nakipagpulong si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kay Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi sa Jakarta, Indonesia noong Linggo sa sidelines ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“Foreign Minister Marsudi said she would consult the Ministry of Justice on the matter,” anang DFA sa isang kalatas kahapon.

Nabatid, mula nang madakip si Veloso noong 2010 ay pinagkakalooban siya ng consular assistance.

Hinatulan ng parusang kamatayan si Veloso noong Oktubre 2010 at noong Abril 2015 ay pinigil ang pagbitay sa kanya.

Ayon sa DFA, ang Philippine Embassy sa Jakarta ay kinuha ang serbisyo ng isang Indonesian law firm para magsilbing legal counsel ni Veloso alinsunod sa mga umiiral na batas sa Indonesia.

“Maayos ang kalagayang pangkalusugan ni Veloso sa Wonosari Women’s Penitentiary sa Yogyakarta,” anang DFA. (ROSE NOVENARIO)     

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …