Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto Carlo Aquino Jason Paul Laxamana

Julia nakipagsabayan kay Carlo

I-FLEX
ni Jun Nardo

KAHIT sinong lalaki, hindi magsasawang papakin at dilaan si Julia Barretto kung sakaling isa siyang candy.

‘Yan ang naging kapalaran ni Carlo Aquino na nang unang matikman si Julia sa pelikulang Expensive Candy ng Viva Films, gusto siyang laging tinitikman hanggang sa umibig siya rito.

Yes, sexy, mapang-akit at hindi nakasasawa si Julia sa movie. Ang magbenta ng kanyang laman ang hanapbuhay niya.

Eh, magaling ang director ng movie na si Jason Paul Laxamana kaya naman hindi malaswa ang dating ni Julia kahit pokpok ang character, nakikipag-sex at nagsusuot ng sexy outfits.

Gaya ng mga nakaraang movies ni Carlo, magaling siyang umarte bilang isang virgin na teacher na nagmahal ng isang pokpok.

Muling ipinakita ni direk Laxamana ang isang lugar sa Pampanga na tinatawag noon na, “Area.” Sa lugar na ito dumarayo ang kalalakihan upang tumikim ng babae.

Ang movie ni Ai Ai de las Alas na tumatalakay sa mga babaeng nagtatrabaho roon ang naalala namin sa movie. Wala na ang lugar na ito sa Pampanga.

Bongga si Julia dahil nagawa niyang makipagsabayan sa pag-arte kay Carlo, huh!  Lalo na sa huling bahagi ng movie na mapapanood sa sinehan sa ngayong September 14.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …