REALITY BITES
ni Dominic Rea
MAUGONG na ang balitang magbabalik telebisyon si Boy Abunda. Hindi natin alam kung sa bakuran ng ABS-CBN o GMA 7 dahil hanggang ngayon ay walang kompirmasyon mula sa kampo ng talent manager/host.
Pero malinaw na ibinalita namin sa The Bash Season 2 last Tuesday evening na nakipag-usap na si Boy sa mga executive ng GMA 7. Mahal ni Boy ang ABS-CBN kaya naman pati pakikipag-meeting niya sa GMA ay ipina-alam niya.
Second week o 3rd week ngayong Setyembre ay aalis si Boy papuntang Amerika para sa ilang commitments doon. Hindi rin sinabi ng kanyang kampo kung bibisitahin ni Boy si Kris Aquino o hindi. Basta ang alam namin, bago magtapos ang taong 2022 ay nasa free tv na ulit ang King Of Talk.