NAKATAKDANG ilunsad ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa magiting na pamumuno ni Chairman Aurelio “Reli” De Leon ang 1st Philippine Horse and Breeding Expo na tatakbo sa 14 -16 Oktubre 2022, gaganapin sa MJCI, Carmona Cavite.
Libre ang entrance nngunit may minimal fee sa schedule forum. May sorpresang raffle prizes bawat araw ang ipamimigay. May “one stop shop for horseracing and breeding.”
Samantala, nagpakitang gilas si Raga Muffin para manalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race sa Metro Turf, Malvar/Tanauan, Batangas nitong weekend.
Sa kandili ni jockey EA Abrea ay naorasan siya ng 1:12.2 sa 1,200-meter race upang maibulsa ang P10,000 top prize.
Sumegundo si Glorious Son habang tumersero si Sentinel Node at pumang-apat na tumawid sa meta si Headstrong. (MB)