Friday , November 15 2024
Vicky Gumabao

May asuntong 30 kaso ng Qualified Theft
NAGA’S TOP 8 MWP, NA INFO EXEC APPOINTEE NI FM JR., NAG-RESIGN

HINDI pa man nag-iinit sa kanyang puwesto, nagbitiw ang isang mataas na opisyal ng Philippine Information Agency (PIA) kahapon nang pumutok ang balitang siya ay nakalistang Top 8 sa most wanted persons (MWPs) sa Naga City, bunsod ng 30 kaso ng Qualified Theft na isinampa ng dati niyang employer.

Nabatid sa source sa PIA, dakong 2:30 pm kahapon, tinanggal sa grupo ng PIA Executive Directorate si Maria Victoria Duldulao Gumabao, 54 anyos, naunang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., bilang isa sa apat na assistant director-general sa unang araw ng kanyang panunungkulan nitong 1 Hulyo 2022.

Napag-alaman sa source, mismong si PIA Director General Ramon Cualoping III ang nag-anunsiyo sa mataas na opisyal ng ahensiya na isinumite na niya ang ‘resignation letter’ ni Gumabao sa Office of the Executive Secretary (OES).

Ipinababahala ng PIA sa OP ang desisyon sa magiging kapalaran ng assistant director-general ng ahensiya.

“Dear Executives, We would like to inform everyone that Vicky Gumabao has handed her notice. We will let OP handle this moving forward.          Thanks,” mensahe ni Cualoping sa mataas na opisyal ng PIA.

Ang PIA ay isang attached agency ng OP at pinamumunuan ni Cualoping, na kamakailan ay ipinetisyon para sibakin ng ilang opisyal at labor leaders ng ahensiya, bunsod ng katiwalian.

Si Gumabao, batay sa bicolmail.net, isang regional newspaper sa Bicol, ay dinakip ng Naga City Police Office (NCPO) noong 22 Mayo 2022 sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Regional Trial Court Branch 62 Judge Jeaneth Cortez Geminde – San Joaquin bunsod ng 27 kaso ng Qualified Theft at tatlong kaso ng Qualified Theft Through Falsification of Public Documents na isinampa laban sa kanya ng Aliw Brodcasting Network.

Sa ulat, sinabing si Gumabao ay dating Home Radio, isang FM station, manager na nagsilbing campaign coordinator ni FM Jr., nitong nakaraang 2022 presidential elections sa Camarines Sur.

Ang mga kaso laban kay Gumabao ay sinabing nag-ugat sa akusasyon ng kanyang dating employer na ibinulsa niya ang libo-libong pisong ibinayad ng ilang blocktimers sa radio station imbes i-remit sa kompanya.

Nakalaya si Gumabao matapos ang dalawang araw na detensiyon at nang makapaglagak ng piyansa.

Si Gumabao ay sinabing Top 8 sa talaan ng mga most wanted persons sa NCPO. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …