Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cherie Gil Bituing Walang Ningning

Klasikong linya ni Cherie sa Bituing Walang Ningning pinag-aagawan ang kredito

HATAWAN
ni Ed de Leon

PINAGTATALUNAN kung sino ang gumawa ng klasikong linyang, “you’re nothing but a poor third rate trying hard copy cat” sa Bituing Walang NingningSinabi ni Cherie Gil noon na ang linyang iyon ay sa kanya, kaya nga hindi ba umangal siya nang gamitin iyon sa live musical ng Viva? Pero dahil doon sinabi ni Maning Borlaza na siyang director ng pelikula na siya ang nagbigay ng dialogue na iyon. Kilala si Maning bilang director at writer sa paggawa ng ganyang klaseng mga linya.

Wala na si Cherie ngayon para magsalita. Wala na rin si Maning. Baka may umangkin namang idea niya ang linyang iyon? 

Naroroon kami sa Annabelle’s Restaurant nang kunan ang eksenang iyon, pero hindi na kami makikihalo riyan.

Natatandaan namin, wake iyon ni Mario Hernando sa Mt. Carmel Church nang napagkuwentuhan din namin ang mga pagbabagong ginagawa sa pelikula. Nagkukuwento si Maning, itinuturo niya akong testigo sa mga pagbabagong iyon. Nakikinig sa usapang iyon si Ate Vi. Ewan kung natatandaan pa niya ang mga kuwento, pero maraming “matalinong” umaangkin talaga ng kredito ng iba. Ganyan naman sa show business hindi ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …