Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla Seth Fedelin

Seth ipinagtanggol ang sarili: ‘Di ko ginagaya si Daniel

IGINIIT ni Seth Fedelin na hindi niya ginagaya si Daniel Padilla. Ito ang nilinaw ng aktor sa interview niya sa Youtube channel ni Ogie Diaz.

Marami kasi ang nagsasabing tila ginagaya ni Seth ang boses, kilos, at pananamit ni Daniel.

Siya lang ba ang puwedeng magsuot ng ganoon? Siya lang ba ang puwedeng gumawa ng ganoong porma? Eh, ganito ako, eh. Simple lang kinalakihan kong buhay,” pagtatanggol ng Kapamilya young actor sa sarili.

Aniya pa, “Sabi naman sa akin ng management, ‘Seth i-maintain mo ‘yan, maintain mo ‘yang pang-masa (hitsura) mo. Ang inaano ko po kasi ay gusto kong maka-relate sa akin ang tao, mga bata na kahit ito lang suot ko, okay ‘yan.

“Bakit ako magsusuot ng mamahaling sapatos, eh, ayaw ko nga ng ganoon. Isang beses mo lang masusuot tapos wala na tapos ang mahal-mahal pati ‘yun nakikita nila pati buhok, kabuhok ko raw si kuya DJ. Anong gusto ninyo, magpakalbo ako?,” sambit pa ng batang aktor.

Iiniiwasan  din ni Seth na kumanta ng mga awitin ni Daniel kapag may mall show siya para hindi masabing ginagaya at kinokopya niya ang aktor.  

Iniiwasan ko pong kumanta ng kanta ni kuya DJ. Sinasadya ko po para hindi masabing kinokopya ko lalo na pati boses.

Minsan gusto ko na po silang sagutin na hindi ko sila ginagaya, minsan ‘pag nasa loob ako ng bahay, kapag nagba-vlog ako, eto ako. ‘Pag kausap ako ng mga tao, ito ako hindi ko ginagaya,” giit pa nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …