Wednesday , April 9 2025

Sa 30 kaso ng Qualified Theft
TOP 8 MWP SA BICOL, ITINALAGA NI FM JR., SA PALASYO 

090122 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NAKALUSOT sa matatalas na intelligence operatives ng Palasyo ang binansagang Top 8 most wanted person sa Naga City sa Camarines Sur at naitalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., bilang opisyal ng isang ahensiya sa ilalim ng kanyang tanggapan — ang Office of the President (OP).

Nabatid na si Maria Victoria Duldulao Gumabao, 54, ay itinalaga ni FM Jr., bilang isa sa apat na assistant director-general ng Philippine Information Agency (PIA) noong 1 Hulyo 2022.

Ang PIA ay isang attached agency ng OP at pinamumunuan ni Ramon Cualoping III.

Kamakailan, si Cualoping, ay ipinetisyon ng ilang opisyal at labor leaders ng ahensiya, para masibak bunsod ng katiwalian.

Si Gumabao, batay sa bicolmail.net, isang regional newspaper sa Bicol, ay dinakip ng Naga City Police Office (NCPO) noong 22 Mayo 2022 sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Regional Trial Court Branch 62 Judge Jeaneth Cortez Geminde-San Joaquin bunsod ng 27 counts ng kasong Qualified Theft at 3 counts ng Qualified Theft Through Falsification of Public Documents, isinampa laban sa kanya ng Aliw Brodcasting Network.

Batay sa ulat, si Gumabao ay dating manager ng Home Radio, isang FM station, na nagsilbing campaign coordinator ni FM Jr., nitong 2022 presidential elections sa Camarines Sur.

Ang mga kaso laban kay Gumabao ay sinabing nag-ugat sa akusasyon ng kanyang dating employer na ibinulsa niya ang libo-libong pisong bayad ng ilang blocktimers sa radio station imbes ini-remit sa kompanya.

Dahil sa mga naturang alegasyon, sinipa si Gumabao sa Home Radio noong 2021.

Lumipat umano si Gumabao sa Bossing FM bilang program host at kalauna’y sumama sa campaign team ni FM Jr., sa Camarines Sur.

Nakalaya si Gumabao matapos ang dalawang araw na detensiyon, at nang makapaglagak ng piyansa.

Si Gumabao, sa talaan ng NCPO ay top 8 listahan ng mga most wanted persons (MWPs) sa lalawigan.  

About Rose Novenario

Check Also

Coco Martin Lito Lapid

Coco, Lito magmo-motorcade sa Cavite sa Abril 10

MAGSASAMANG muli sina Senador Lito Lapid at Direk Coco Martin matapos ang pagkamatay ni Supremo aka “Primo” sa Batang Quiapo sa …

SLP Swim League Philippines Patriots League of Champions III

Mula Grassroots Hanggang Champions: SLP Patriots, Umangat sa League of Champions III

Walang inuurungan ang Swim League Philippines (SLP) Patriots sa pangunguna ni Coach Zaldy Lara, matapos …

Grand rally FPJ Panday Bayanihan, dinagsa ng Bicol supporter

FPJ Panday Bayanihan Partylist, dinagsa sa Bicol

LIBO-LIBONG Bicolano ang dumagsa sa kalsada upang tunghayan ang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan …

TRABAHO Partylist umiigting pa ang kampanya

TRABAHO umiigting pa ang kampanya

MAS PINAIGTING ng TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, ang kanilang kampanya nitong Sabado mula …

Victor Lim FFCCCII

Industrialist Victor Lim elected as new president of FFCCCII

MANILA, PHILIPPINES – The Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) …