ni Ed de Leon
IYON palang poging bagets na dancer na nagsimula sa isang tv show, pero nawala nang maging involved sa isang kaso ay iniwan na rin ni “direk” na unang “nagpala sa kanya noon pa man.” May pamilya na raw pala ang dating bagets, at ayaw naman ni direk na siya pa ang magsustento pati sa pamilya niyon. Natatakot na rin siya na baka may hingin iyon at hindi niya maibigay ay sakalin na lang siya.
Kaya sa ngayon ang laging kasama ni direk ay isang male indie starlet, na sinasabi nga niyang “low maintenance,” ibig sabihin hindi magastos. Aba siyempre wala na rin namang trabaho si direk gaya noong dati na umaandar hindi lang ang career niya kundi pati network nila.
Eh ngayon wala na iyon.