MATABIL
ni John Fontanilla
PINALAGAN ni Sunshine Cruz ang netizen na nagsabing kasalanan niya kung bakit sila naghiwalay ng ama ng kanyang mga anak na si Cesar Montano.
Nagkomento kasi ang nasabing netizen sa IG post ng aktres ng, “Bat kasi nagbold movies ka Sunshine Cruz kaya na turn off sayo si Cesar montano..naghanap tuloy ng iba.”
Kaya naman sinopla ni Sunshine ang nasabing basher, “You don’t know our lives. We don’t know you. Move on.”
Biniyayaan sina Sunshine at Cesar ng tatlong magaganda at very talented na anak, na lahat ay nasa pangangalaga ng aktres.