REALITY BITES
ni Dominic Rea
GRABE! Halos P1-M ang inabot ng sex reassignment surgery ni Lars Pacheco na nakilala noon sa Miss Q & A ng It’s Showtime noong 2018.
Isinagawa sa isang mamahaling ospital sa Thailand ang naturang proseso para magkaroon finally ng keps si Lars. Pinag-ipunan daw talaga ito ni Lars at naging matagumpay ang operasyon sa kanya.
Pangarap talaga ni Lars ang magkaroon ng keps kaya naman masayang-masaya ito ngayon dahil alam niyang babaeng-babae na siya at wala na siyang bird.