Saturday , November 23 2024

Sa Senado
P18-M ‘SALISING UTANG’ SA SEF NG 11 EMPLEYADO 

082922 Hataw Frontpage

SUMALISI ng mahigit isang milyong pisong utang kada isa, ang 11 empleyado ng senado, sa kasagsagan ng pandemya, taliwas sa patakaran at kasunduan ng pautang ng Senate Economic Funds (SEF) na hanggang P500 kada isang miyembro ang kanilang puwedeng utangin.

Ngunit batay sa impormasyon at dokumentong nakuha, kabilang sa mga nakautang nang sobra-sobrang halaga, na hindi nabatid agad ng pamunuan ng SEF ay sina Fresnido Abcede, may utang na umabot sa  P2,168,439.09, Maricel Aganan, may utang na umabot sa 1,653,383.45; Annalyn Bañez may utang na 1,906,451.56, Kedda Baraero, may utang na 1,348,988.90, Paulette Honrubio, may utang na 1,702,830.55, Sonia Rose Lagunsad, may utang na 1,932,230.31, Zaldy Oreleans, may utang na 1,483,616.66, Jennifer Pancho may utang na 1,404,722.23, Van Raymund Sarabia, may utang na 2,563,847.20, Jocelyn Timajo, may utang na 1,011,207.45, at Ramon Triunfante may utang na1,447, 740.75.

Sa kabuuan ang utang ng 11 empleyado ay nasa mahigit P18 milyon. Ang pinakamalaking nakautang na si Sarabia ay nakatalaga sa Bills and Index.

Ayon kay Dir. Ronald Golding, Vice Chairman at Chief Executive Officer (CEO) ng SEF, nabatid sa kanilang imbestigasyon na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga empleyado at ni Maricel Aganan (mother unit – Senate Economic Planning Office [SEPO]),  isa sa mga empleyadong nakatalaga sa SEF na siyang nagproseso ng loan application ng mga nabanggit na empleyado.

Tinukoy ni Golding, imbes bago payagang muling maka-loan ang isang miyembro ay kailangan bayaran muna ang utang na natitira o maaaring kaltasin sa bagong uutangain ngunit hindi nangyari ito bagkus ay dinaragdagan ang utang.

Paglilinaw ni Golding, dahil sa kasagsagan ng pandemya dulot ng CoVid-19 ay hindi pumapasok madalas ang mga empleyado ng senado ganoon din ang opsiyal ng SEF ay rotation at dito nga isinagawa ang pagpapalusot nang sobra-sobrang pagpapautang sa 11 empleyado ng senado.

Sinabi ni Golding, ang salising pag-utang  ay naganap sa pagitan ng Setyembre 2021 hanggang Mayo 2022.

Sa kabila nito, tiniyak ni Golding, matatangap ng mga miyembro ng SEF ang kanilang taunang dividendo sa kabila ng nangyari dahil mayroong sapat na pera ang SEF sa banko para sa mga miyembo nito.

Ang SEF ay nilikha bilang provident funds para sa mga empleyado ng senado na ang bahaging pondo nito ay mula sa kontribusyon ng mga empleyado at ilang mga senador na sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 1,600 miyembro at mahigit P250 milyong pondo sa banko.

Aminado si Golding, nagkaroon ng delay sa pagbibigay ng dividendo ng mga miyembro dahil kailangan nilang maghintay ng appointment papers mula sa tanggapan ng Senate President kung sino ang itatalagang chairman ng SEF.

At nitong Huwebes ay inilabas na ang appointment paper ni Senate Secretary Renato Bantug bilang Chairman ng SEF kung kaya’t sa darating na Martes, bukas, 30 Agosto,  ay magko-convene ang board para aprobahan ang pagpapamahagi ng dividendo sa mga miyembro.

Bukod dito, tiniyak ni Golding, hindi makatatakas ang 11 empleyado na umabot sa mahigit P18 milyon ang inutang sa SEF.

Tiniyak ni Golding, sisingilin nila at hahabulin lalo na’t hanggang sa kasalukuyan ay pawang mga regular na empleyado naman ng senado.

Hihingin din ni Golding ang desisyon ng board sa magiging kapalaran ni Maricel na naging kasabwat ng mga empleyado.

Bukas din si Golding sa anumang independent investigation upang mapatunayan nila na walang kinalaman ang sinumang opisyal ng board ukol sa naglalakihang pautang. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …