Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philracom Horse Race

Eazacky at Gomezian magpapakitang gilas

TAMPOK ang anim na batang kabayo sa pangunguna nina Eazacky at Gomezian sa 2022 PHILRACOM “3-Year-Old Sprint Race” na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, ngayong araw.

Makakatapat nina Eazacky na pag-aari ni Ezel Besamis at pambato ni horse owner Alfredo Santos, Gomezian sina Club Kensai, Enigma Uno, Palauig at Roaring Kanyon sa distansiyang 1,000 meter race.

Inaasahang hitik na aksiyon ang magaganap lalo’t hindi pa nagsisimula ang laban ay bakbakan na ang mga karerista sa debate sa social media kung sino ang mananalo sa laban.

Ayon sa ibang karerista walang nakasisiguro sa mga kalahok kung sino ang mananalo kahit patokin pa ito ng karera tipsters sa programa.

“Kung sino maganda kondisyon ‘yun ang malaki ang tsansang manalo kaya sa parada sipating maigi kung sino ang medyo masigla at sigurado maganda ang ipakikita ni kabayo,” sambit ni Peter Gil, beteranong karerista.

Rerendahan ni jockey John Alvin Guce si Eazacky habang si Class A rider Oneal Cortez ang gagabay kay Gomezian sa karerang nakalaan ang guaranteed prize na P1 milyom sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.

Kokobrahin ng mananalong kabayo ang P900,000 habang hahamigin ng second, third at fourth placers ang tig P337,500, P187,500 at P75,000 batay sa pagkakahilera.

Magbubulsa rin ng P75,000 ang breeder ng winning horse, tig P45,000 at 30,000 ang second at third. sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) na pinamamahalaan ni chairman Reli De Leon.

Bukod sa nabanggit na karera, tiyak na aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng walong tigasing kabayo 2022 PHILRACOM Special Invitational Race na ilalarga sa pang-siyam na karera.

Posibleng magdomina sa takilya ang kalahok na si Righteous Ruby sa distansiyang 1,500 meter  race.

Makakasukatan sa bilis ni Righteous Ruby sina Darleb, Best Regards, magkakuwadrang Time For Glory at Downsideprotection, Shastaloo, Shanghai Noon at Starrininmydreams. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …