Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi napasigaw nang malamang babae ang magiging apo 

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAS pinag-usapan ang pasigaw at pagtalon pang reaksiyon ni Ate Vi (Vilma Santos) nang gumawa ng announcement na ang kanyang magiging apo ay “baby girl.” At inamin niya na bagama’t alam na ng mag-asawa kung ano ang magiging anak nila matapos sumailalim si Jessy Mendiola sa isang pre-natal scan, hindi talaga sinabi sa kanya kung ano ang nakita, kaya first time talagang nalaman ni Ate Vi na babae ang magiging apo niya.

Pero sabi nga ni Ate Vi, noon pa mang una niyang malamang buntis si Jessy, parang nahuhulaan na niya na babae ang magiging anak niyon.

“Alam mo naman ang mga Filipino, may mga nakagisnan tayong paniniwala. Noong magbuntis si Jessy ang tingin ko ba ay talagang napakaganda niya. Siguro sabi nga nila, ang isang factor kaya ganoon ang tingin ko dahil bibigyan na niya ako ng apo. Pero hindi ba ang kasabihan lalo na ng matatatanda, basta mas maganda raw ang babae sa panahon ng pagbubuntis babae ang magiging anak?

“Natatandaan ko kasi si Mama, noon sinabi niya sa akin, ‘alam mo nabawasan ang ganda mo, lalaki ang magiging anak mo’, na hindi ko pinapansin pero kung nakikita ko iyong mga picture noong panahong buntis ako, para ngang iba ang itsura ko. Iyong kay Ryan palagay ko ganoon din, pero wala akong masyadong pictures noon dahil hindi ba pinagpahinga ako ng doctors ko dahil delikado ang pagbubuntis ko noon.

“Pero natandaan ko iyong paniniwalang iyon, kaya nag-iimagine na ako na kailangang bumili ng mga gamit na pink para sa apo ko. At iyon nga, confirmed noong sila na ang mag-announce noon sa lahat,” pagkukuwento ni Ate Vi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …