Sunday , December 22 2024
Kim Rodriguez Ogie Diaz

Kim Rodriguez Kapamilya na, kontrabida sa Darna

MATABIL
ni John Fontanilla

MULA sa pagiging Kapuso, Kapamilya na pala si Kim Rodriguez na mapapanood na sa Darna.

Ayon kay Kim matagal na siyang walang kontrata sa GMA, kaya naman libre na siyang tumanggap ng proyekto sa ibang estasyon.

At ngayon nga ay kasama ito sa Darna bilang isa sa kontrabida at makakalaban ni Darna.

Tito matagal na po akong walang kontrata sa GMA, kaya free na po akong tumanggap ng proyekto sa ibang TV network.

“Sobrang saya ko, kasi dati pinanonood ko lang si Darna, and alam mo naman tito idol na idol ko si Ms. Angel Locsin.

“Kaya naman thankful ako and blessed kasi ‘di ko naman akalain na magiging regular ako from dalawang taping day,” excited na pagbabahagi ni Kim.

Masaya rin siyang makatrabaho ang ilang Kapamilya stars.

Excited na nga po akong makatrabaho ang mga Kapamilya star. Bagong pamilya at bagong journey sa akin kaya mas lalo ko pang gagalingan,” anito.

Sinabi pa ni Kim na, “Sa una pressured  po ako bukod sa wala pa akong nakakatrabahong artist sa ABS, bukod sa alam kong magagaling silang lahat,

” Happy ako at si tito Ogie Diaz ang manager ko, dahil di nya ako pinapabayaan and para ko na syang tatay. “

Bukod sa Darna ay isa din ito sa paparangalan sa 2022 Outstanding Men and Woman  bilang Outstanding Woman ( Actress/ Businesswoman) sa Aug. 27 sa Teatrino Promenade Greenhills.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …