ni Ed de Leon
PARANG nawalan ng gana ang isang showbiz gay nang makilala niya nang lubusan ang bago niyang boylet. Umamin naman daw kasi iyon na bago siya, may apat na ibang bading na nakarelasyon na noon. At least aminado rin naman ang boylet na bread trip lang iyon sa kanya at hindi pa siya handa sa isang same sex relationship.
Sa nalaman, nasira ang ilusyon ng bading, at ngayon mukhang sisirain din niya ang ilusyon ng boylet na makapasok sa showbiz.