Friday , November 22 2024
Money DBM DOH
Money DBM DOH

DBM, DOH deadma sa Covid-19 benefits ng health workers

NAGSAGAWA ng noise barrage protest kahapon ang health workers mula sa iba’t ibang Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) hospitals para hilingin na bayaran ang kanilang One COVID Allowance (OCA) at Health Emergency Allowance (HEA).

Ayon sa Alliance of Health Workers (AHW), tila nagtataingang-kawali ang Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management (DBM) sa panawagan na ipagkaloob ang CoVid-19 benefits na matagal na sanang natanggap ng health workers ng mga GOCC hospital.

Bukod sa GOCC hospital workers, hindi pa rin natatanggap ng health workers mula sa local government units (LGU) at private hospitals ang kanilang OCA at HEA.

“DOH should uphold its mandate to ensure our welfare as health workers. Not releasing our rightful long overdue benefits is demoralizing. For more than two years now, our situation has become more miserable. We have been fighting for these benefits since the start of the pandemic. Kakarampot na nga lang, ayaw pang ibigay,” sabi ni Salome Ejes, acting president ng Philippine Heart Center Employees Association – AHW.

Matatandaang binatikos ng AHW ang OCA dahil magkakaiba ang halaga ng benepisyong natatanggap ng health worker, batay sa itinakdang klasipikasyon ng risk exposure nila sa CoVid.

Alinsunod sa OCA, ang low risk health workers ay makatatanggap ng P3,000; ang medium risk ay P6,000; at P9,000 sa may high-risk exposure kada buwan.

“We stand firm that all health workers are at high risk of COVID-19 as its transmission is airborne. OCA must be given equally. All health workers should receive P9K as COVID-19 cases are now increasing due to its different variants. More so, a new threat of a viral and infectious Monkeypox is arising in which four cases already exist in the PH,” dagdag ni Ejes.

Sinabi ni Edwin Pacheco, presidente ng National Kidney and Transplant Institute Employees Association-AHW, hindi na halos magkasya ang kanilang suweldo para tustusan ang gastusin gaya ng pagkain, transportasyon, utilities, ang edukasyon ng kanilang mga anak kaya’t malaking tulong sana ang allowances gaya ng OCA at HEA.

Hiniling ng AHW na itaas sa P33,671 ang Salary Grade 1 kada buwan lalo na’t ang family living wage ay itinakda sa P1,107 bawat araw upang mabuhay nang marangal ang isang pamilya sa gitna ng paglobo ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“We heard that on Monday, August 22, the DBM submitted to Congress the proposed P5.268T national budget for 2023. Thus, we challenge the legislators and Marcos, Jr. administration to heed our call for salary increase, fund and provide our long overdue benefits, job security against contractual labor as well as humane and safe working conditions.” ani Pacheco. (ROSE NOVENARIO) 

About Rose Novenario

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …