MATABIL
ni John Fontanilla
EMOSYONAL ang mommy ni Jane De Leon at ‘di naiwasang maiyak nang mapanood sa kauna-unahang pagkakataon ang transformation ng anak bilang Darna, na inabangan din ng marami.
Ibinahagi kamakailan ni Jane sa kanyang Facebook ang video ng kanyang ina na yakap nito habang umiiyak kasama ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya na sobrang saya nang mapanood ang pagbabago ng kanyang anyo bilang Darna.
Ayon kay Jane, “My family after seeing me as Darna for the first time. Para sa pamilya.”
Dagdag pa nito, “I love you Mama! Para sa inyo ni Papa and Kuya!”
Nagustuhan din ng netizens ang costume ni Jane bilang Darna na ikinompara pa ng karamihan sa costume ni Gal Gadot bilang Wonder Woman.