Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ejay Falcon Jana Roxas

Ejay Falcon at Jana Roxas engaged na

ENGAGED na ang aktor at vice governor ng Oriental Mindoro na si Ejay Falcon sa matagal na nitong girlfriend na si Jana Roxas.

Nag-propose si Ejay sa birthday celebration ni Jana noong Linggo ng gabi na ginanap sa bahay ng isang kaibigan ng dating aktres at StarStruck Avenger sa Mindoro.

Sa video na naka-post sa Facebook, dinaluhan ang pagpo-propose ni Ejay kay Jana ng kani-kanilang pamilya. Naroon din si Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor kasama ang asawa nitong si Hiyas. Dumalo rin ang ilan sa malalapit nilang kaibigan at mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.

Napag-alaman naming dapat napaaga ang dapat sana’y talagang araw ng proposal ng aktor/politiko. Ang plano, umaga ng August 22 sa flag ceremony sa kapitolyo ng Oriental Mindoro magpo-propose si Ejay. Subalit hindi na makapaghintay ang aktor kaya ginawa na niya ito bago mag-birthday si Jana.

Makikita sa video ang pagtawag kay Ejay para magbigay ng birthday message kay Jana. Medyo nahihiya pa ang bise gobernador nang lapitan sa harap ng presidential table ang kanyang fiancée.

Anito, “Sa loob po ng anim na taon, pinatunayan po niya kung gaano niya ako kamahal, ipinakita niya sa akin ‘yung totoong pagmamahal, ipinakita niya sa akin ang lahat ng suporta.

“Tinanggap niya ako kung ano talaga ako, tinanggap niya ako nang buong-buo. Itong pagpasok ko sa politika ay napakahirap po para sa kanya. Napag-uusapan na namin ‘yung future, ‘yung buhay namin.

“Pero ang focus ko noon ay career tapos pumasok nga ako sa politika.

 “Siyempre, hindi maiwasan na…iyon nga, papasukin ko ang bagong yugto ng buhay ko, bagong career.

“Pero ngayon nga, sa harap ng mga pamilya natin, sa harap ng mga magulang ko, ng mga magulang mo at sa lahat ng narito, sasabihin ko kung gaano kita kamahal.

“At ngayong birthday mo, hayaan mong ako naman ang may hihilingin sa yo…” ang pabiting sabi ni Ejay.

Sa puntong iyon, napapikit at napatungo si Jana at naiyak hanggang  ilabas na ni Ejay ang dalang engagement ring.

Lumuhod siya sa harap ni Jana at sabay sabi ng, “Gusto kitang makasama habambuhay…will you marry me?” 

Na sinagot naman ni Jana ng, “Yes!”

Palakpakan at hiyawan ang mga nasa venue.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …