Thursday , May 30 2024
Man Hole Cover

Sa Pangasinan
LOLANG SEXAGENARIAN NAHULOG SA MANHOLE,  NASAGIP PERO NATODAS

ISANG lola, tinatayang edad 60-anyos pataas ang

binawian ng buhay sa ospital matapos mahulog sa isang bukas na manhole sa isang kinukumpuning kalsada sa bayan ng Infanta, lalawigan ng Pangasinan, nitong Sabado, 20 Agosto.

Inilarawan ng Pangasinan PPO ang biktima na isang babaeng nasa edad 60-anyos pataas, at nakasuot ng itim na kamiseta at pantalon.

Ayon sa nakasaksing si Angelo Pungos, 36 anyos, ng Brgy. Maya, naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada nang biglang nahulog sa bukas na manhole.

Nagtulungan ang pulisya at mga lokal na rescuers na iahon ang biktima mula sa manhole saka dinala sa pagamutan kung saan siya idineklarang dead on arrival.

Samantala, sinusuyod ng mga pulis ng Infanta ang mga nasasakupang barangay upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

Hindi binanggit sa ulat kung ang manhole ay pag-aari ng water utility o telecommunication company.

About hataw tabloid

Check Also

Online Gambling Gambling lalansagin ng 2 Konggresista ng Maynila

Online Gambling Gambling lalansagin ng 2 Konggresista ng Maynila 

PURSIGIDO ang dalawang magiting na konggresista ng Maynila na lansagin ang mga namamayagpag na sugal na …

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

IPINAHAYAG ng Social Security System (SSS) na mahigit 800 job order (JO) na manggagawa sa …

Sa Bulacan 3 TULAK, 1 PUGANTE NASAKOTE NG PNP

Sa Bulacan  
3 TULAK, 1 PUGANTE NASAKOTE NG PNP

Arestado ng Bulacan PNP ang tatlong nangangalakal ng droga at isang pugante sa isinagawang anti-crime …

Quezon Provincial Police Office Lucena

8 intel officer arestado sa palpak na drug raid

CAMP VICENTE LIM, LAGUNA — Walong intelligence officer ang inaresto ng kanilang mga kasamahan sa …

shabu drug arrest

 6 tulak ng droga, timbog sa buybust

BAGSAK sa kulungan ang anim na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkakahiwalay …