Saturday , June 22 2024
Eric Quizon

Eric Quizon muling ididirehe The EDDYS ng SPEEd

SA ikalawang pagkakataon, ang premyadong aktor at direktor na si Eric Quizon ang magdidirehe ng 7th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Si Eric din ang nagsilbing direktor sa ikaanim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice na ginanap noong nakaraang taon sa Aliw Theater sa Pasay City.

Sa darating na Hulyo, muli ngang magkakaroon ng kolaborasyon ang SPEEd at ang award-winning actor at filmmaker para sa 7th edisyon ng The EDDYS.

Bukod sa pagiging aktor at direktor, isa ring producer at writer si Eric o Enrico Smith Quizon sa tunay na buhay. Ayon sa anak ng yumaong Comedy King, Dolphy, mas magiging kaabang-abang at makabuluhan ang taunang pamimigay ng award ng The EDDYS.

Ang annual event na ito, na mula sa samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas, ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

Mamimigay ng 14 acting at technical awards ang SPEEd para sa 7th The EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2023.

Tulad sa mga nakaraang taon, magsisilbing highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing na mga haligi ng movie industry.

Sila ang mga artista, direktor, at iba pang personalidad na hindi matatawaran ang kontribusyon at pagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng mahabang panahon.

Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), Joe Quirino Award, at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).

Pararangalan din sa awards night ang Rising Producer of the Year. 

Bilang pagkilala naman sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng Philippine movie industry, isang special award din ang ibibigay sa gabi ng parangal – ang The EDDYS Box Office Heroes.

Dito, bibigyang-pugay ang mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan para muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.

With our new award, ‘The EDDYS Box Office Heroes,’ we want to honor the stars of films that brought audiences back to theaters,” ayon sa bagong Pangulo ng SPEEd na si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper, at online portals sa Pilipinas.

About hataw tabloid

Check Also

Rhen Escano

Karma ni Rhen pang Hollywood-level

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Rhen Escano na sobra siyang nahirapan sa paggawa ng action film, ang …

CC6 Music Fest 2024

CC6 Music Fest 2024 aarangkada kasama ang Rocksteddy at Mayonnaise

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAKIPAG-RAKRAKAN, kantahan, at sayawan sa June29, 2024 kasama ang ilang …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Marian Rivera Balota

Marian intense ang aktingan sa Cinemalaya entry  

RATED Rni Rommel Gonzales SIGURADONG kakaibang Marian Rivera ang mapapanood sa Cinemalaya entry na  Balota. Makikita sa isang BTS photo …